Mga Pagsubok na Kinakaharap ng mga Kabataan Ngayon
Dahil sa makabagong panahon, maraming pagbabago ang nagdulot ng magagandang oportunidad at mga suliranin. Ang mga kabataan ngayon ay may kalayaan sa paggawa ng mga bagay-bagay, ngunit kasabay nito ang mga pagsubok o isyu na madalas nilang hinaharap. Ngayon, tatalakayin natin ang mga pagsubok na kinakaharap ng karamihan sa mga kabataan sa kasalukuyan. Ito ang mga kasalukuyang pagsubok na Kinakaharap ng mga Kabataan Ngayon 1 . PROBLEMA SA PERA O KAHIRAPAN Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing isyung kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Nagdudulot ito ng maraming suliranin tulad ng kakulangan sa pera, pagkain, at gamot. Nagreresulta rin ito sa limitadong oportunidad, lalo na sa edukasyon. Dahil dito, maraming kabataan ang mas pinipiling magtrabaho kaysa mag-aral upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan. 2 . PROBLEMA SA PAG-AARAL Ang problema sa pag-aaral ay nagiging dahilan kung bakit maraming kabataan ang nahihirapang makaintindi at makisabay sa kanilang mga a...